Bakit Kailangang Pagyamanin Ang Wikang Filipino

Bakit kailangang pagyamanin ang wikang filipino

Kailangan pahalagahan ang mga wikang katutubo at pagyamanin ang wikang Filipino dahil ang mga ito ay may kapangyarihan na ikwento ang ating kasaysayan at yaman ng ating lahi. Ang mga ito rin ay sumasalamin ng identidad ng mga Pilipino at kung saan tayo nagmula. Kapag hindi napanatili ang pagpapayaman ng mga wikang katutubo at ang wikang Filipino, mawawala rin ang malaking parte ng ating kultura at kasaysayan.

Rason kung bakit kailangan pahalagahan ang mga wikang katutubo at pagyamanin ang wikang Filipino

Sa pamamagitan ng pagpapahalaga ng ating mga wikang katutubo, napapayaman din natin ang wikang Filipino.

Narito ang ilan sa mga rason kung bakit kailangan pahalagahan ang mga wikang katutubo at pagyamanin ang wikang Filipino:

Ang mga wikang katutubo at wikang Filipino ay sumasalamin sa ating kultura. Nasa mga wikang ito ang yaman ng mga katutubong karunungan.

Ang mga wikang katutubo at wikang Filipino ay may kapangyarihan na ikwento ang ating kasaysayan at yaman ng ating lahi. Sa pamamagitan ng mga kwentong ito, naipaabot ng mga Pilipino noon ang kanilang mga tagumpay, hamon, hangarin, gawain, at iba pa.

Ang mga wikang katutubo at wikang Filipino ay salamin ng ating identidad. Ito ay nagbibigay ng ideya kung saan nagmula ang ating lahi, ano ang pinagmulan ng ating mga salita, pano nagbago ang panahon sa paglipas ng mga taon, at iba pa.

Kaugnayan sa Buwan ng Wika

Ang tanong sa itaas ay may kaugnayan sa tema ng Buwan ng Wika para sa taong 2019.

Ang tema ng Buwan ng Wika para sa taong 2019 ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga para sa mga wikang katutubo ng ating bansa.

Iyan ang mga detalye ukol sa dahilan kung bakit kailangan pahalagahan ang wikang katutubo at pagyamanin ang wikang Filipino. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:

Ano ang wikang katutubo? brainly.ph/question/2318055

Ano ang kahulugan ng "Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”? brainly.ph/question/2339172

Halimbawa ng slogan ukol sa "Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” brainly.ph/question/2316977


Comments